builtbyian:

Woot! First batch from the film roll.

weee. Niceee IJ. Haha

(via builtbyian)

@1 week ago with 29 notes
potograpiyanilyle:

Likod ni Juan 

 Minsan talaga sadyang madrama lang buhay at hindi ito maiiwasan. Kung walang drama ang buhay, ano na lang meron? Bato? Lol. Haha

potograpiyanilyle:

Likod ni Juan 

Minsan talaga sadyang madrama lang buhay at hindi ito maiiwasan. Kung walang drama ang buhay, ano na lang meron? Bato? Lol. Haha
@1 week ago with 14 notes

Blog.

Blog. Hmm. Ano nga ba ang blog? Para magsulat ng mga tungkol sa isang bagay, magpost ng mga litrato, o magdrama drama lang dahil feel lang magdrama.

Aaminin kong nakakatamad tong ginagawa ko ngayon pero nakakatulong ito para mas gumaan ang aking mga nararamdaman at maihayag sa mga tao ang nilalaman ng aking isipan. Ngayon ko na lamang muli binalik itong kwento ni juan sa kadahilanang maraming masyadong memorya akong nakokolekta na hindi kayang ilagay lahat sa aking planner na panay schedule lang ang nakasulat. 

Masaya mangolekta ng mga memorya, mapamasaya pa man ito o malungkot. Lahat nga ng mga bagay ay may rason kung bakit tayo masaya o malungkot pa-minsan minsan. So kung maganda ang memorya ngayon, edi mabuti pero kung masama, mabuti din. Isipin na lang na ito ay parte ng buhay at hindi mawawala. Gawin itong isang pagsubok upang mas lumaki pa ako, ikaw, at tayong lahat. Kung hindi tayo makakaranas ng mga bagay-bagay, edi wala tayong memoryang maaari nating ipunin at ilagay sa loob ng isang garapon. Iyon ang blog sa akin, isang lagayan ng mga memorya na gusto mong mapanatili panghabang buhay at mabalikan kung kailan mo man gusto.

Ang blog. Si blog. Tao sa akin si Blog. Kilala niya kung sino siya at alam na alam niya kung ano ang nararamdaman ko. Sana lang palaging nandyan si Blog para sumuporta sa akin tuwing ako ay malungkot o kaya naman makisaya sa akin kapag maganda ang aking pakiramdam. 

Si Blog ay may buhay. Buhay na buhay. Buhay na buhay si Kwento ni Juan. At patuloy pa siyang hihinga…muli..

(Source: kwentonijuan)

@2 weeks ago
#blog #life #personal #BLOG! #si blog #lol 
thephotowalkkid:

my SFs hahahaha funny thing that you both wearing shades of violet…. 2nd day in a row 

 haha. Lol best. Dapat kasi nag dilaw ka din nung Saturday na yun! Haha

thephotowalkkid:

my SFs hahahaha funny thing that you both wearing shades of violet…. 2nd day in a row 

haha. Lol best. Dapat kasi nag dilaw ka din nung Saturday na yun! Haha
@1 week ago with 13 notes

Isa.

Isa. Dalawa. Tatlo….

Maaaring ang ISA ay ang simulang numero sa pagbibilang kung saan posibleng hindi ito matapos at magtuloy-tuloy lang. Ang ISA ay pwede ring maging pangalan ng tao. Ang ISA ay maaari ring ihantulad sa iyo, OO, sa iyo.

Ang tao ay nag-iisa lamang at hindi siya maaaring maging dalawa, tatlo, o apat man. Pero maaaring maging dalawa, tatlo, apat, o higit pa ito sa kaanyuan ng ating pamilya, mga kaibigan, o di kaya naman ng mga taong hindi natin kilala na nakakasalubong natin sa kada lakad natin. Ang lahat ng mga maaaring magpadagdag sa nag-iisang AKO o IKAW ay ang bumubuo sa isang maliit na Bilog na ating ginagalawan. 

Kapag nakakilala ka na ng mga taong maikukunsidira mong maging ikalawa, ikatlo, ikapat… masasabi mo pa bang ikaw ay nag-iisa? 

ISA.

Ang pagiging mag-isa ay maaaring magbigay saya. Ang pagiging mag-isa ay maaaring magbigay ng lungkot. Ang pagiging mag-isa ay maaaring magbigay ng kung anu-anu pa mang mga emosyon na nais nating makamtan sa panahong ramdam mo ang pagiging mag-isa. 

“Ang pagiging mag-isa”. Isang linyang paulit-ulit na nababanggit pero kahit gasgas na, malakas pa rin ang tagos na naibibigay nito sa isang tao. Nasa kondisyon na yan ng tao kung anu ang gusto niyang maranasan sa pagiging mag-isa. Pero laging tatandaan na kung ikaw ay nag-iisa at nahanap mo na ang mga ikalawa, ikatlo, ikaapat…mo, paniguradong darating at darating lang sila diyan at hindi ka hahayaang nag-iisa.

Isa. Dalawa.

Ikaw? Ano nararamdaman mo kapag ikaw ay nag-iisa? Wag kang malungkot dahil darating at darating din ang mga kasama mo para ikaw ay pasayahin. Wag kang masaya ng sobra dahil baka minsan makalimutan mo na ang mga ikaisa, ikalawa, ikatlo, ikaapat…mo at tuluyan ka na nilang iiwan. Nasa balanse lang lahat. 

Kung sa isip mo na ang katapusan nitong post na mabuting mag-isa ka na lang dahil nasa balanse lahat dapat, ewan ko. Nasasaiyo na yan kung pano mo gustong gawin ang takbo ng buhay mo. Hindi ka maaaring makontrol ng sinuman dahil lalabas at lalabas pa rin at masusunod at masusunod ang iyong nararamdaman.

Dapat lang maipakita mo ang tunay na nararamdaman mo sa isang tao para malaman nila na…… 

(Source: kwentonijuan)

@1 week ago with 3 notes
#Isa #life #blog